Ipinaskil ni Zeno the Philosopher sa Hunyo 18, 2008
Marami na rin akong naisulat na mga artikulong naglalaman ng mga seryosong paksa tungkol sa estado ng Pilipinas, di alintana ang mga kakatwang pangyayari na dati ay sa mga kuwentong halaw lamang ng Bulgar ko nababasa. Ngayon hindi na nakagugulat na may mabasa o marinig na balitang tulad ng isang babaeng nagging lalaki at naging babae again, mga batang hindi pa man tinutubuan ng isang uri ng hair… sa kili-kili ay lumilipad na ang mga career sa pagsayaw at pagkanta, baboy na dalawa ang mukha, sanggol na dalawa ang kasarian at marami pang iba not to mention ang isang binabaeng pinasukan ng lata sa puwet, na ikinatuwa naman ng ilang nurses at duktor (ng medicine at test papers noong college) na lumimot na sa Hippocratic oath at kodigo etiko ng Pinipino, este ng Pilipinas. Ignorantia juris non excusat.
Whew! Ngayon ako ay kumbinsido na marami na palang posible sa panahon ngayon. Noong ako ay musmos pa lang lagi akong nangangarap ng imposible – ang maging isang sikat na artista, scientist, chess player, model ng briefs at maging si Ultraman. Basahin ang karugtong nitong lahok »
Ipinaskil sa Ultraman | Mag-iwan ng Puna »
Ipinaskil ni Zeno the Philosopher sa Hunyo 17, 2008
Naaalala ko ang isang awitin na nirevive ni pareng Raymund Marasigan na ang title ay synonymous din sa title ng post na binabasa mo ngayon.
Bakit nga ba ganun? Ang mga babae habang tumatagal lalong nagiging mahirap ispelengin, para lang Prof mong habang tumatanda mas mahirap intindihin.
Minsan magkaroon ka lang ng numero sa phonebook na walang pangalan o kakaiba ang pangalan paghihinalaan ka na. O kaya ma-late ka lang sa inyong tagpuan dahil inayos mo requirements sa school babansagan ka nang babaero. Mayroon ring pagkakataong may mamutawi lang na pangalang babae sa labi mo yari ka. O kaya naman may mag-hi o hello lang sa iyo na babae o kahit bakla patay ka na naman.
Ang nakakatuwa pa riyan ang sa tuwing iniisip ng syota mo na naiiisip mo rin ang naiisip nya, yung tipo bang akala niya e may ESP ka upang malaman kung ano ang gusto niya nang hindi niya sinasabi. Kapag naman bobo kang katulad ko na hindi kayang hulaan ang laman ng isip niya sasabihan kang insensitive. Nakatutuwa. Maaaring dati ako si Ultraman ngunit hindi ako si Superman.
*finis*
Ipinaskil sa Uncategorized | Mag-iwan ng Puna »
Ipinaskil ni Zeno the Philosopher sa Hunyo 17, 2008
Marami na akong mga nakasalamuhang kaibigan, kaklase, kabiruan, kagalit, katext at sino pa mang kaanuhan ang panay ang reklamo sa pagsusulat, kesyo lumaki raw sila hindi upang magsulat kundi mabuhay. Nakakatuwang isipin, sapagkat ang ironic sa tao ay ang kasipagan niyang magbuhat ng weights, magbasketball, magbilyar, uminom ng gin, at humitit ng bato habang ang pag-angat ng bolpen at pagkalabit sa kanyang utak upang makapagpalabas ng letra ay nagmimistulang LBM para sa kanya. Marahil hindi nga sila para sa pagsusulat.
Ngunit alam niyo ba na sa panahon ngayon ang nakatutuwa ay dahil sa naapektuhan sa nabasang Harry Potter maraming kabataan na rin ang pumansin sa propesyong dati-rati’y daig pang luklukan na lamang ng mga retiradong guro at pulitiko upang may pagkakitaan. At sa batang haiskul na minsang nagtanong sa akin, kasiyahan kong makatulong kahit kaunti. Basahin ang karugtong nitong lahok »
Ipinaskil sa pagsulat | Mag-iwan ng Puna »
Ipinaskil ni Zeno the Philosopher sa Hunyo 16, 2008
Bagama’t sa bahay lagi akong trinatrato bilang pinakamatino sa lahat ng magpipinsang Alcala at Van der Pail wala silang alam na minsan tulad ni The Incredible Hulk mayroong mga araw na kapag masama ang gising ko ay nabubugok ako. Ngunit kumpara sa mga bugok sa panahon ngayon hindi pa naman ako maituturing na pinakabugok sa mga bugok, dahil mayroon pa ring butil ng kahit kaunting karunungan ang natitira sa utak ng engot na ito.
At bakit nga ba may mga pagkakataong sinasalakay ako ng kagaguhan? Minsan kapag may mga mokong sa campus na ibig kong patamaan dinadaan ko na lang sa pagsulat, at minsan naman kapag bumibiyahe ako mula bahay at darating sa school only to find out na late na ako sa nag-iisang klase ko sa araw na iyon, sira na ang buong araw ko. Basahin ang karugtong nitong lahok »
Ipinaskil sa Morality | Mag-iwan ng Puna »