Bakit may mga panahong nabubugok ako?
Ipinaskil ni Zeno the Philosopher sa Hunyo 16, 2008
Bagama’t sa bahay lagi akong trinatrato bilang pinakamatino sa lahat ng magpipinsang Alcala at Van der Pail wala silang alam na minsan tulad ni The Incredible Hulk mayroong mga araw na kapag masama ang gising ko ay nabubugok ako. Ngunit kumpara sa mga bugok sa panahon ngayon hindi pa naman ako maituturing na pinakabugok sa mga bugok, dahil mayroon pa ring butil ng kahit kaunting karunungan ang natitira sa utak ng engot na ito.
At bakit nga ba may mga pagkakataong sinasalakay ako ng kagaguhan? Minsan kapag may mga mokong sa campus na ibig kong patamaan dinadaan ko na lang sa pagsulat, at minsan naman kapag bumibiyahe ako mula bahay at darating sa school only to find out na late na ako sa nag-iisang klase ko sa araw na iyon, sira na ang buong araw ko. Minsan naman kapag inaway na naman ako ni gf ay sinasabihan ko ang aking sarili “ako kasi, ako kasi e!” sabay sapak sa sarili ko hanggang makatulog ako at magising na sumasakit ang cheekbone, young tipong pakiramdam ko may hematoma ako sa mukha.
Minsan sa aking column nilagay ko sa column box ko yung picture kong barag ang mukha. Alam ko sasabihin ninyo “e kung hindi ka pala bugok bakit mo kasi sinasapak sarili mo?” E paano nga mahal ko siya. Isa pa, bugok nga kasi ako.
Bakit ako bugok? Dahil ang kabataan ngayon ay mga bugok. Kumpara sa mga magulang natin, masyado tayong polluted ng teknolohiya. Wasak na ang kultura at napalitan na ng mga behikulong kumukulong sa atin sa mundo ng kagaguhan. Minsan habang naglalakad ako sa koridor ng campus may isang lalaki at isang babaeng magclassmates ang masayang nagkakantahan sa kaiga-igayang saliw ng I Wanna Fuck You ni Akon.
Boy: I see you winding n grinding up on that pole…
Girl: C’mon, sing it!
Boy: I know you see me lookin’ at you and you already know…
Girl: oh yeah!
Boy: I wanna fuck you, you already know…
Girl: Go on the jammin’ yeah, yeah.
Boy: I wanna fuck you, you already know…
Girl: Dammit! You’re the man!
(Translate natin sa Tagalog at kantahin sa parehong music)
Boy: Nakita ko nagpapasarap at nagkakaskas ka sa poste…
Girl: Sige kanta lang!
Boy: Pansin kong nahalata mo akong tumitingin sa iyo…
Girl: Oh yeah!
Boy: Gusto kitang kantu**n, alam mo na ‘yon…
Girl: Tuloy ka lang, man!
Boy: Gusto kitang kantu**n, alam mo na ‘yon…
Girl: Dammit! You’re the man!
Tsk, tsk. Panay katarantaduhan na talaga mga kabataan ngayon.
Hanep. (Kamot ng ulo habang nagtatype)
*finis*