Paano natutong sumulat ang sumulat nito?
Ipinaskil ni Zeno the Philosopher sa Hunyo 17, 2008
Marami na akong mga nakasalamuhang kaibigan, kaklase, kabiruan, kagalit, katext at sino pa mang kaanuhan ang panay ang reklamo sa pagsusulat, kesyo lumaki raw sila hindi upang magsulat kundi mabuhay. Nakakatuwang isipin, sapagkat ang ironic sa tao ay ang kasipagan niyang magbuhat ng weights, magbasketball, magbilyar, uminom ng gin, at humitit ng bato habang ang pag-angat ng bolpen at pagkalabit sa kanyang utak upang makapagpalabas ng letra ay nagmimistulang LBM para sa kanya. Marahil hindi nga sila para sa pagsusulat.
Ngunit alam niyo ba na sa panahon ngayon ang nakatutuwa ay dahil sa naapektuhan sa nabasang Harry Potter maraming kabataan na rin ang pumansin sa propesyong dati-rati’y daig pang luklukan na lamang ng mga retiradong guro at pulitiko upang may pagkakitaan. At sa batang haiskul na minsang nagtanong sa akin, kasiyahan kong makatulong kahit kaunti.
Paano ako natutong magsulat? Minsan labing-anim na taon na ang nakararaan may isang ulirang ina ang nag-aruga sa apat na taon niyang anak. Isang araw nag-uwi ang ama ng bata ng Lego set siguro upang magkainteres ang anak sa engineering at balang araw maging isang inhinyero, ngunit sa kasamaang palad ginawa lang ng mapaglarong anak na modelo ng miniature buildings ang lego set at nagpyjamas upang umaktong siya si Ultraman, ang resulta after a month of fierce fighting Ultraman saved the world, sibak nga lang ang mga piraso ng Lego, pati lalagyang de-gulong.
Nag-isip ang ulirang mag-asawa, at kinabukasan umuwi ang ama may dala-dalang maliit na chalkboard, yung may mumunting gomang orasan sa gilid at may palamuting ABCD. Noon ako inumpisahang turuan ng aking ina ng basic alphabet, at upang manigurado bumili pa siya ng Nido na noon ay may freebie na fairy tale books. Tuwing hapon bago mag-noontime tulog matiyaga nya sa aking itrinanslate ung nasa fairy tale buks, este books (dapat kasi may consistency kundi babatukan ako ni prof), at sa araw-araw na pagbabasa mula sa Ali Baba hanggang sa Tom Thumb ay unti-unting tumatak sa isip ko ang mga basic English na salitang tulad ng the, go, to, is etc. (hindi kasali ang etc., grade 4 na ako nun noong malaman kong etcetera pala ibig nun sabihin), at soon tuwang-tuwa ako nang makayanan ko nang gumawa ng pangungusap na “The dog is barking”. Nagmayabang pa ako sa aking ina ilang araw ang makalipas nang iyon ay aking dinagdagan, “The dog is barking at the stranger”.
Siyempre maging s sariling wika ay hindi nagkulang ang aking ina. Natatandaan ko noon hindi ako pwedeng manood ng Sesame Street araw-araw kung hindi ko muna kakabisaduhin sa harapan niya mula A,E,I,O,U hanggang Ya,Ye,Yi,Yo,Yu. Dahilan iyon kung bakit noong kindergarten pangalawa ako sa klase sa pinakamaagang magrecite ng alpabeto, lamang ay una sana ako kung hindi dahil sa aking pagiging kabisote napagbaligtad ko ang Wa at Ya. Magkamukha kasi ang bigkas. Iyon ang una kong praktis sa pagbabasa. Ay teka, irrelevant pala. Sabi ko nga pala pagsusulat ang topic hindi pagbabasa, hehehe, sori.![]()
By the way, how I learned to write (R. L .Stevenson ikaw ba yan)? Natatandaan ko sa sobrang trip kong makagawa ng mga fairy tale books na aking nabasa nauwi ako sa pagsusulat. Noong elementary may itinambak sa aking textbooks ang nanay ko na panay naman pang-haiskul; Values and Education I, Filipino IV, English IV, at Physics IV. Sabi basahin ko raw (e bakit napunta na naman ako sa pagbabasa). Ah basta, siguro sabihin na lang nating kaya ako nauwi sa pagsusulat ay dahil sa pagbabasa, at iyon ang panimula ng lahat.
Nang ako ay naging sportswriter sa school organ n0ong elementarya ako ay tinambakan ng aking coach ng dosenang diyaryo, basahin ko raw. Namangha ako nang aking matutunan kung paano maglaro ng baseball dahil noon ay laging laman ng pahayagan ang World Series ng New Yorks Yankees laban sa kakosa nitong New York Mets sa MLB ng Amerika. Hindi ko alam kung sinong loko ang nagpangalan roon na World Series e puro lang naman mga Amerikano ang naglalaban-laban. Nagtataka rin ako dahil maski sa NBA kung sino ang champion sa playoffs siya na rin ang tinaguriang World Champion, e state ng US vs. state ng US lng nman ang labanan. Ah ewan, di ko alam kung bakit kapag kampiyon ng Amerika kampiyon rin ng buong mundo, at kung kalaban ng Amerika kalaban rin ng buong mundo. Nang pagpraktisan ni Bush ang Baghdad ng Toys for the Big Boys (missiles at stealth bombers) OK lng sa atin, at nang pagpraktisan rin ang Pilipinas ng Toys for the Big Boys ni Bush n0ong Balikatan wapakels pa rin tayo. Sige friend George na Magtatalahib, este George Bush you’re welcome,come again. Eto na naman ako, flight of ideas ba?
Balik tayo sa larong piko. At bilang pagsisimula sa career ng pagsulat naisipan kong gumawa ng isang novelette (para lang towelette na maliit na towel, pero hindi platelet hahaha joke lang! korni). Iyon ay mini-novel, at sa totoo lang noong elementary ako ay hindi ko pa alam kung ano ang character, setting, plot, at climax, at ni storyline hindi ko pa napag-aralan (at kung natake-up man sa skul e baka noong panahong nagcutting ako para makipaglaro ng taching sa mga nagbabakal-bote o magbabad sa Worlds of Fun), kung kaya’t hindi ko napansin na ang tanging laman ng sinulat ko ay walang kabuhay-buhay na istoryang umikot lamang sa isang tauhan at nagsimula nang umagang siya ay gumising, kumain ng agahan, naligo, nagpraktis, lunch, nanood ng tv, dinner, natulog, gumising at nag-agahan ulit, at panay ganun na lamang na paulit-ulit. Narealize ko iyon nang nasa page 70+ na ako. Tinapon ko iyon kahit ako ay nanghinayang.
Ang aking unang seryosong naisulat ay inspired ng isang araw nang aking mabuklat sa library ng aking pinasukang high school ang mahiwagang aklat ng isang nagngangalang Mark Twain, at ang aklat na akala ko ay Introduction to Algebra ay ang bantog na The Adventures of Tom Sawyer pala. Tum Soyer, sabi nga naman ng aking kaibigan noon. Binasa ko iyon noong araw ring iyon kahit patay na naman ako noong time ng math dahil hindi ko nagawa ang assignment ko sa simplifying fractions, ngunit gayumpaman hindi ako nagsisising binuklat ko ang The Adventures of Tom Sawyer sa halip na Introductions to Algebra dahil malaki ang aking naging pakinabang.
Matapos ko iyon basahin kumuha ako ng bolpen at notebook at nagsimulang isulat ang isa pang novelette na aking pinamagatang The Little Raiders na hango rin sa Tom Sawyer at isa pang cartoons sa Pinoy Blockbuster Channel (na ngayon ay Cinema One na) na ang title ay 15 Boys. Oo nanggaya ako, ngunit hindi ako nang-plagiarize. Isa kasi sa unang praktis ng nais magsulat ay ang panggagaya. Magbasa ka ng Harry Potter, natuwa ka sa style, gayahin mo, ngunit kinalaunan magdevelop ka rin ng sarili mo.
Siyempre para matuto kailangan mo munang gayahin ang mga master; ginagaya ng mga inakay ang kanilang ina kung paano lumipad, at kahit naman mga inakay ni Gloria ay ginagaya rin siya kung paano lumipad papuntang Europa sa kadahilanang first time yata nilang sumakay ng eroplano.
Ngunit sa seryosong pangungusap, hindi masamang manggaya hanggang sa magkaroon ng sariling estilo. Para lang yan saranggola na kailangang hawakan hanggang sa iangat ito ng hangin mula sa iyong mga kamay. Sa sanaysay ni Robert Louis Stevenson na may titulong How I Learned To Write, umamin siyang natuto siya sa panggagaya, gayundin si William Wordsworth at John Keats, at pati na rin si Jose Rizal at marami pang mga manunulat. Bawat isa sa kanila ay naupo muna sa balikat ng mga higante bago sila nakatayo sa sarili nilang paa.
Ngunit, disclaimer lang, kinalaunan matapos silang matuto gumawa sila ng sariling estilo sapagkat ang orihinal pa rin ang winner. Ngunit siyempre sa iyong pag-aaral magsulat sa pamamagitan ng panggagaya alamin mong mayroong kasong plagiarism. Huwag kang magpupublish ng mga gawang gaya-gaya. Ang gulo ko noh.